Paano Pumuti? Mga epektibong paraan na pampaputi

Paano Pumuti? Mga sikat at epektibong Pampaputi

“Salamin, salamin, sabihin sa akin, sino ang pinakamaganda sa buong mundo?” tanong ng masamang reyna. Ito rin ay isang makalumang tanong na hanggang ngayon ay naka-ukit pa rin sa nakararaming mga Pilipina na mga adik sa mga produktong pampaputi.

Ang Pilipinas ay isang bansa na may ibat-ibang kultura ngunit ang nakararami dito ay nagtatangi ng kayumangging balat.

Ang bansa ay sinakop ng mga Espanyol ng 333 na taon at bukod sa kanilang baon na ibat-ibang armas, dinala rin nila ang ideolohiya na ang pagkakaroon ng isang maputing kutis ay katumbas ng nakahihigit na ganda.



Bago ang lahat, gusto ko muna sabihin na ako ay isang Makabagong Pilipina at hindi ako sumasang-ayon sa ganitong makalumang paniniwala ngunit naniniwala ako na ang pag-aasam na magkaroon ng maputing kutis ay dumedepende sa kagustuhan at desisyon ng isang indibidwal.

Bakit gusto ko pumuti ang balat ko?

Ang maisasagot ko lamang ay tulad ng kung ano ang isasagot ng mga banyagang mahilig magpa-“tan” o magpa-morena ng kanilang balat. Ang tanong na ito ay nakakabagot at kailangan ng itigil.

Ano ang mga pinaka-epektibo at sikat na paraan kung paano pumuti sa Pilipinas?

paano pumuti epektibong pampaputi before and after 1

Ito ang gusto kong pag-usapan.

Sa isang bansa kung saan ang maputing kutis ay hinahalina, ang mga ibat-ibang kumpanya ay nag-isip ng mga bagong paraan kung paano pumuti at magpaputi.

Ang unang pampaputi na naimbento ay mula sa Tsina, kung saan ang perlas ay dinudurog nila upang gawing pulbo at ito’y inihahalo nila sa tubig upang maging krema (na hindi mabisa).

Napakaraming produkto at paraan kung paano pumuti sa Pilipinas at kabilang na dito ay ang mga sabong pampaputi, lotion, krema, serum, tabletang iniinom, pampaputi na itinuturok atbp.

Ililista ko ang mga paraan kung paano pumuti at uumpisahan ko ito mula sa pinaka sikat. Hindi ko ililista ang mga pampaputi na ginagawa sa kani-kaniyang tahanan dahil sa madaling salita, wala akong panahon para sa mga bagay na iyon at ang pagrerekomenda ng mga iyon ay maihahalintulad sa isang bulag na gumagabay sa isa pang bulag.

Gusto ko muna magbigay ng isang babala na ang pagpapaputi ay nakakatuyo ng balat (alamin ang “Skin Type” mo ng libre DITO). Kung ayaw mo mag-alaga ng tuyot na balat, maaari mo ng itigil ang pagababasa nito.

Biro lamang, kung gusto mo pa rin malaman ang mga pinaka-sikat na paraan kung paano pumuti sa Pilipinas, magpatuloy ka lamang magbasa.

Paano pumuti gamit ang Sabong Pampaputi?

Ang paggamit ng sabong pampaputi ay isa sa aking mga pinaka nirerekomenda dahil ito ay nagdulot sa akin ng positibong resulta.

Naniniwala ako na kaya epektibo ang sabong pampaputi ay dahil kapag tayo ay naliligo, ang ating “pores” ay bukas, na nagdudulot ng mas madaling pagsipsip ng gamot ng ating mga balat.

Ang madalas kong ginagawa kapag ako ay gumagamit ng sabong pampaputi ay pinapabula at kinukuskos ko ito sa aking buong katawan gamit ang “loofah” (papaya soap ang gamit ko) at hinahayaan ko itong lumapat sa aking balat ng mga limang minuto o isang kanta ni Mariah Carey (“Touch My Body” ang aking paboritong kanta pag naliligo).

Sa kasalukuyan, may dalawang klase ng sikat na sabong pampaputi sa Pilipinas.

Ito ay ang Papaya (epektibong prutas na nakakaputi dahil ito ay may “Papain” na pumupuksa sa pamumuo ng melanin) at Kojic Acid (ang mas bagong sangkap na nagbibigay ng mabilis na resulta ngunit may kapalit).

Meron ding ibang uri na hindi kasing sikat ng dalawa sa taas at ito ay ang mga sabong gawa sa gatas at glutathione (Gusto ko rin ito subukan).

Paano pumuti gamit ang Papaya na Sabon?

papaya pampaputi

Mas gusto ko ang uri ng ganitong sabong pampaputi dahil ito ay hindi sobrang tapang at hindi ito sobrang nakakatuyo ng balat.

Maganda rin ito dahil napapanatili kong maputi ang aking kutis nang hindi ko na kailangan na parating mag-kapote at mag-payong kapag naaarawan.

Ang epekto ng prutas na ito ay talaga namang naghatid sa akin ng mga positibo at permanenteng resulta (base sa aking karanasan) at ito rin ay isang tunay na makapangyarihang sagot sa tanong kung paano pumuti.

May abilidad rin ito na tanggalin ang mga “dead skin cells” at makakasiguro ka sa pagtubo ng mas maganda at mas bagong “cells” na magbibigay sa iyo ng mas makinis at maputing kutis.

Ang sabong pampaputi na ito ay hindi “instant”. Pwede umabot ng ilang TAON bago mo makita ang mga resulta at kung hindi mo kayang maghintay ng ganoon katagal, pwede mo subukan ang susunod na uri ng sabon na makakatulong sa iyo kung paano pumuti…

Paano pumuti gamit ang Kojic Acid na Sabon

kojic acid rice grains

Ang sangkap na ito ay isang baguhan sa pagpapaputi ng balat kumpara sa papaya at nakakasiguro ako na hindi ito sumikat ng mga panahong 90’s at maagang 2000’s.

Matatawag ko ang Kojic Acid na sabon na “quick-fix”.

Ito ay magandang gamitin kapag ikaw ang tipong nakalimot na mag-sunblock sa iyong bakasyon sa dagat o nakalimot ka na mag lagay ng spf lotion at naarawan ka papuntang trabaho. Sa madaling salita, maganda ito para sa mga gusto magbawi ng kulay.

Isa sa mga naranasan ko ay ang mabilis na resulta ng pagkaputi ng kutis ngunit kapag ito ay iniiwan ko sa aking balat na nakalapat ng mga limang minuto, ako ay nakakaranas ng konting hapdi at kati.



Natutuyo ang balat ko ng sobra kapag ako ay gumagamit ng ganitong tipo ng produkto (o baka dahil lamang ito sa tatak ng sabong pampaputi na ginagamit ko dati)

Sa ngayon, gumagamit ako ng Kojic Acid na sabong pampaputi na “glycerin-based” at tunay na napakaganda nito dahil hindi ako nangangati.

Hindi ko gustong isipin mo na pangit ang ganitong tipo ng produkto. Ang balat ko ay sensitibo kaya ito ay maselan kapag dating sa mga sangkap. Kung tulad ko ay may sensitibong balat ka rin, iwasan mo na lang ito.

Ang Kojic Acid ay isang matapang na sangkap na pampaputi at hindi lamang ito nakakaputi ng balat, ito rin ay isang napaka-epektibong “exfoliant” na sobrang bilis magtanggal ng “dead skin cells” na talagang magbibigay sa iyo ng napakabilis na resulta.

Babala:

Huwag ka gumamit nito kung madalas kang naaarawan dahil ito ang sisira ng iyong mga pangarap kung paano pumuti. Kapag tayo ay gumagamit ng mga produktong pampaputi, ang mga balat natin ay nagiging mas sensitibo sa araw.

Maaari kang mas lalong umitim kung nagpapaaraw ka habang gumagamit ng Kojic Acid na sabon kaya naman napaka-importante ang paggamit ng “Sunscreen.

Pinagkumpara ko ang mga pinakasikat na sabong pampaputi sa Pilipinas sa taong 2018 at pwede mo basahin ang artikulo na iyon DITO.

Glutathione (Pinaka-mabisang sagot kung paano pumuti?)

Ang mga Makabagong Pilipina ay kinaaadikan ito dahil sa sobrang bilis ng epekto. Napakarami kong kakilala na hindi lamang kuminis nang dahil dito, ang kanilang mga balat ay talaga namang nagbago mula ulo hanggang paa.

Ito ang tinatawag nilang “the best” na sangkap kung paano pumuti.

Ang gulatathione ay hindi lamang nakakatulong kung paano pumuti, ito rin ay isang napaka-bisang “antioxidant”.

Binabawasan nito ang bilang ng melanin at nililinis nito ang ating mga katawan mula sa mga “toxins” at “impurities” dahil sa napakaraming “amino acid” na nilalaman nito.

Kapag wala tayong mga dumi sa katawan, nakakasigurado tayo na ang ating mga balat ay hindi lamang puputi, ito ay magiging malusog at kumikinang din.

Nakakatulong rin ang glutathione na pagpantayin ang kulay ng balat natin.

Isa pa sa mga benepisyo ng glutathione sa ating mga balat ay kaya nitong puksain ang mga tigyawat, “age spots”, pekas at mga peklat.

Ang glutathione ay mayroon ding mga bitamina at kasama na rito ang napakataas na bilang ng “Vitamin C” na nakakatulong sa atin na maiwasan ang mga ibat-ibang klaseng sakit.

May dalawang uri ng paraan na pwede i-konsumo ang glutathione.

Iniinom

girl drinking pill

Ang glutathione ay pwedeng inumin mula sa “pill” o “tablet” form nito. Nirerekomenda ito na samahan ng Vitamin C para sa mas magandang resulta. Sa aking karanasan, pumuti ang kutis ko sa dalawang buwan lamang.

Nakaranas rin ako ng dagdag enerhiya mula sa glutathione at ito ay hindi lamang pampaputi para sa akin.

Madalas, sinasabi ng mga kumpanya na ang mga epektong pampaputi ng glutathione ay makikita mula sa ika-apat hanggang ika-anim na buwan pero sa akin, nakita ko na agad na pumuti ang balat ko ng mas mabilis.

Ang tatak na ginamit ko dati ay “Dr. James” at ginamit ko ito nuong taong 2009.

Tinuturok

injecting IV glutathione

Ang glutathione ay pwede ring iturok sa balat ngunit ang paraan na ito ay mas mahal kaysa sa pag-inom. Ang paggamit ng glutathione ay hindi panandalian lamang, tulad ng ibang produktong nakakatulong kung paano pumuti, ito ay nangangailangan rin ng matagalang pag-aalaga.

Hindi ko pa nasusubukan ang mga itinuturok na glutathione dahil nung sumikat ito, masaya na ako sa kutis ko.

May kaibigan akong sobrang puti ng balat at buhay na saksi ako sa pagbabago ng kutis niya.

Isipin mo ito, mula sa “MAC NC40” na shade papuntang “MAC NC20 “, ganiyan kalala ang pagbabago ng kutis niya.

Ang hindi lang maganda rito ay maraming kumakalat sa merkado ngayon na pekeng “injectable glutathione”. Ang mga tunay na tinuturok na glutatathione ay mahal kaya naman maraming namamantala at namemeke nito.

Pinapahid

applying face cream

Kailan lamang ay nakagamit ako ng pinapahid na glutathione at nagustuhan ko ito.

May isinulat akong review tungkol rito at pwede mo ito basahin DITO.

Paano pumuti gamit ang Lotion na pampaputi?

Napakaraming lotion na pampaputi sa Pilipinas. Gusto kong ipaalam sa iyo na ito ang pampaputing produkto na hindi ko gusto.

Ang dahilan ay kaya tayo gumagamit ng lotion ay para maiwasan ang pagkatuyo ng ating mga balat. Ang pag-lapat ng mga produktong pampaputi sa ating mga balat ng matagal ay nagbibigay daan upang ang ating balat ay mairita.

Imbis na pumuti ka, dadami ang iyong mga peklat dahil sa kakakamot. Ang pagkakamot ay napakalayo sa ating layunin.

pampaputi lotion

Sinasabi ng mga kumpanya ng mga lotion na pampaputi na hindi nakakatuyo ng balat ang mga produkto nila. Ang karanasan ko sa paggamit ng mas higit pa sa isang dosena ay hindi tumutugma sa kanilang mga pangako.

Hahayaan ko na lang na ang mga sabong pampaputi ko ang gumawa ng trabaho sa pag-papaputi at gagamit na lang ako ng magandang lotion na nakakatanggal ng pagkatuyo ng balat.

Mas mainam pa at makakatulog ako ng mahimbing dahil hindi ko na kailangan bumangon pag may nangati na parte ng katawan ko.

Paano pumuti gamit ang Krema at Serum na pampaputi?

Ang mga produkto na ito ay madalas na ginagamit sa mukha (pwede mo rin gamitin sa iyong buong katawan kung mayaman ka).

Madalas, ang mga pampaputing serum at krema ay hindi kasing tapang ng mga lotion na pampaputi dahil ginawa ang mga ito para gamitin sa mukha.

Ang balat natin sa mukha ay mas manipis kaysa sa ating katawan kaya naman ito ay nangaingailangan ng banayad na pag-aalaga.

Ang mga serum at krema na pampaputi ay ginawa para matanggal ang mga pekas, butlig, peklat mula sa tagyiwat, at hindi pantay na kulay ng mukha.

Madalas na laman ng mga pampaputing cream at serum ay hydroquinone, gatas, papaya, kojic acid, at glutathione.

Tip: Bago gumamit ng mga produktong may hydroquinone, maigi na kumonsulta muna sa isang dermatologist. Napakatapang ng hydroquinone, ito ay isang kemikal na may ibat-ibang pursyento na nakakatulong sa pagtutuklap at pagpapaputi ng balat.

Kailangan mo ring tandaan na ang mga pampaputi na krema at serum ay hindi pwedeng gamitin bilang “moisturizer”. Kailangan mo pa rin gumamit ng moisturizer matapos mo magpahid ng krema o serum na nakakaputi para hindi maging tuyot ang balat mo sa mukha.

Ipagpatuloy natin ang usapin kung paano pumuti sa isa sa mga pinakapaborito ko…

Paano pumuti mula sa Glycolic Peel Facial Procedure?

Ang “Glycolic Peel Facial” ay isang serbisyo na madalas ginagawa sa mga klinika para sa balat. Ito ay sinubukan ko na at talaga namang nagustuhan ko kaya lang, kailangan ko na itong itigil dahil ang pinapagawan ko nito ay nasa Makati at hindi na ako nakatira doon.

Kaya gusto ko itong paraan kung paano pumuti ay dahil nagbibigay ito ng “instant results”.

facial na pampaputi

Kung mayroon kang tagyiwat, blackheads, at whiteheads, dapat mo itong subukan!

Sa aking karanasan, inuumpisahan nila ang “Glycolic Peel Facial procedure” sa paghuhugas ng aking mukha. Matapos nito ay kanilang tinatanggal ang mga tagyiwat, blackheads, at whiteheads ko (basic facial) bago nila umpisahan ang paglapat ng gamot.

Ang Glycolic Peel

ay isang uri ng pagtutuklap ng balat gamit ang kemikal. Mas mahina ito kaysa sa “Chemical Peel” dahil ang sangkap nito ay natural na naglalaman ng AHA (Alphahydroxy Acid) na galing sa tubo (sugar cane).

Tinatanggal nito ang unang “layer” ng ating balat sa isang sesyon lamang at talaga namang nakakamangha ang resulta matapos nito.

Sinasara ng mga “aesthetician” ang ating mga pores at binubuksan para masigurong masipsip ng balat natin ang Glycolic Acid at para na rin maprotektahan ang ating mga balat matapos natin magpa Glycolic Facial Peel.



Pagkatapos ng iyong facial, bebentahan ka ng klinika ng mga produkto para mapanatili mo ang mas maputi at mas bago mong balat.

Ang presyo ng Glycolic Peel Facial ay nag-iiba at dumedepende sa mga klinika. Huwag ka mag-alala dahil hindi ito ganoon kamahal. Kailangan mo lamang magpa-facial isang beses kada buwan.

1,800 PHP kada sesyon ang presyo ng Glycolic Peel Facial sa klinika na pinupuntahan ko dati at kabilang na rito ang mga paninda nila na sabon, toner, moisturizer, at SPF cream.

Hindi mo kailangan magpa Glycolic Peel Facial habang buhay. Kung masaya ka na sa kutis na nakuha mo mula dito, pwede ka na magpagawa nito ng kada tatlong buwan lamang imbis na kada buwan.

Kung magpapa Glycolic Peel ka ng sunud-sunod sa apat na buwan, garantisado na makikita mo ang napakakinis at maputing balat na iyong hinahangad.

Paano pumuti gamit ang pampaputing body scrub?

Ang epekto nito ay maihahalintulad ko lamang sa resultang hatid ng Kojic Acid na pampaputing sabon. Hindi nakakamangha at nakakapagpabago ng disposisyon sa buhay sa maikling panahon lamang.

Gawin mo lamang ito kung hindi ka marunong maligo at magkuskos ng tama.

body scrub pampaputi

Madalas na ginagawa ito sa mga spa at mga masahehan.

Hindi ko ito matatawag na makabagong paraan kung paano pumuti pero maganda itong gawin kung gusto mong “i-pamper” ang iyong sarili.

Kahit na sa tingin ko ay hindi ito ang pinaka-epektibong paraan kung paano pumuti, nakatutulong ito ng malaki kung gagamitin mo ito bago mo lapatan ng sabong pampaputi ang iyong balat.

Ang paborito kong “body scrub” na pampaputi ay mababasa mo DITO.

Sa wakas ay nagtapos na rin tayo sa usapan kung paano pumuti. Nakakalungkot lang din dahil hilig ko talaga pag-usapan ang bagay na ito.

Ang mga nakasama sa listahan ay ang mga pinaka-sikat na paraan kung paano pumuti sa Pilipinas.

Lahat ng ito ay naranasan ko na bukod sa mga tinuturok na glutathione.

May mga ibang paraan kung paano pumuti ngunit lahat ng isinulat ko ay sadyang napatunayan at nasubukan ko na.

Napakagaling ng mga Pilipino sa pagtuklas ng mga paraan kung paano pumuti sa tamang paraan.

Kung may mga nasubukan ka na rito, huwag ka mahiya ipakita sa akin.

Hayaan mong ipakita ko ang iyong pagbabago sa buong mundo!

Nasa baba ang mga litrato ng resulta ko sa ilang taon kong pagsasaliksik kung paano pumuti.

Noon at Ngayon ng aking Kutis

paano pumuti epektibong pampaputi before and after 2

Kung may mga tanong ka pa na kabilang sa kung paano pumuti, huwag ka mahiyang mag e-mail sa akin sa amanda@filipinow.com

Naghahanap ka ba ng mga epektibong gamot sa tigyawat? Basahin DITO.

xx

Signature of Amanda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Privacy Policy